Philippines ShowBiz News

Isang Napaka-gwapong Milyonaryo Ang Naghahanap ng Personal Assistant Na Makakasama Niyang Lumibot Sa Buong Mundo

Pangunahing pangangailangan ng tao ay ang trabaho, para matustusan ang kailangang gastuisn sa araw araw na pamumuhay.

Karamihan sa naghahanap ng trabaho ang tinitignan ay ang iba’t ibang benepisyo na makukuha nila sa kumpanyang kanilang papasukan, at syempre kung sapat ang magiging sweldo.

Paano kung may magsabi sa’yo na pwede kang makapagtrabaho at malibot ang buong mundo? Ano ang gagawin mo?

Ano ang gagawin mo sa trabahong makukuha mo na kailangan mong libutin ang buong mundo na may kasamang napaka gwapong boss at may malaking sweldo?

Tila isang plot sa mga pelikula ang kwento ng isang milyonaryo na naghahanap ng magiging assistant niya at makakasamang maglakbay sa buong mundo.

Ang gwapong milyonaryo na si Matthew Lepre, 26 taong gulang ay pumupunta sa iba’t-ibang panig ng mundo upang magbigay ng payo sa paglago ng mga online business.

Ayon sa binata, sagot niya ang lahat ng gastusin ng makukuhang personal assistant.

Pagkain, hotel accomodation, air fare at iba pang pangunahing pangangailangan.
Dagdag pa ang $52,000 o humigit kumulang na 2.7 milyong piso ang sasahurin sa loob ng isang taon.

Sa pamamagitan ng isang Youtube video, ini-anunsyo ni Lepre ang kanyang alok na trabaho.

Pero tulad ng ibang employer, sinabi rin nitong kinakailangang mahusay mag-multi-task, mag-ayos ng travel itineraries, mayroong sapat na kaalaman sa social media channels at siyempre may passport na valid kahit sa loob man lang ng 12 na buwan o isang taon.

“Travelling while I work h͎a͎s͎ allowed me to live my ideal life, a͎n͎d͎ I want to give someone the opportunity to do the same alongside me.” pahayag ni Lepre sa isang panayam.

Ayon sa report ng Daily Mail naging milyonaryo ang binata dahil sa kanyang negosyong e-commerce na itinatag niya noong siya ay 23 taong gulang pa lamang, matapos niyang huminto sa pag-aaral sa kolehiyo.

Dahil sa sipag at tiyaga nagtagumpay ang kanyang negosyo at makalipas ang tatlong taon ay kumikita na siya ng $120,000 o 6.3 milyon pesos sa loob lamang ng isang buwan.

Kaya naman tinawag ni Lepre ang trabahong ito na “coolest job in the world” dahil habang nagtatrabaho ay nagagawa mong mamasyal sa iba’t ibang parte ng mundo ng libre.

Recent Posts

Your Header Sidebar area is currently empty. Hurry up and add some widgets.