Philippines ShowBiz News

Isang ‘Chismosa’ Naipit Ang Ulo Sa Gate Ng Kapitbahay

Kadalasan talaga ang pakikialam sa mga usapan sa paligid o ginagawa ng ibang tao at pakikialam sa buhay ng may buhay ay walang maga͎n͎d͎ang kahihinatnan.

Sa madaling sabi, ang “chisms” ay walang maga͎n͎d͎ang dulot.

Ikaw ba ay mahilig sa tsismis? Mag-ingat kung ayaw mong matulad sa isang babae sa bansang Colombia.

Naging viral kamakailan ang post sa Facebook tungkol sa isang babaeng naipit sa reh͎a͎s͎ ng gate ng kanyang kapitbahay. nangyari ang nasabing insidente sa La Virginia, Colombia kung saan nabigong tanggalin ng isang babaeng nakikiusyuso sa kapitbahay ang kanyang ulo.

Ayon sa ulat ng isang istasyon sa radyo sa bansang Colombia na “Radio La Roca FM“, sumilip sa kabilang bahay ang hindi pa pinangalanang babae para sipatin kung nasa bahay ba o kung ano ang ginagawa ng kapitbahay niya.

Upang malinaw na makita ang nagaganap, ipinasok ng babae ang kanyang ulo sa pagitan ng mga bakal na nagsisilbing harang sa pinto ng bahay, pero na-stuck ang ulo nito.

Ngunit sa kasamaang palad, ang usiserang babae ay nagpasya na itulak ang kaniyang ulo sa mga bar ng metal gate pero kahit na naitulak niya ang kaniyang ulo doon, siya pa din ay nahirapan upang alisin ang kaniyang sarili.

Dahil dito ay pinagkaguluhan ang nasabing babae sa kanilang lugar. Kahit ang mga kalalakihan doon ay ginawa ang kanilang makakaya upang maialis ang babae sa kanyang sitw͎a͎s͎yon.

Halos limang oras na naka-stuck ang ulo ng babae bago rumesponde ang mga pulis at bumbero sa naturang lugar.

Umani naman ng ibat-ibang reaksiyon ang nasabing Facebook post. May mga natawa at nagsabing sana daw ay hindi na tinanggal ito sa pagkakaipit.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Maswerte na lang din talaga ang nasabing babae at hindi kita sa larawan ang kaniyang mukha.
Kaya sa mga “chismosa” sa iba’t-ibang sulok ng mundo nawa’y maging aral sa inyo ang istoryang ito.

Recent Posts

Your Header Sidebar area is currently empty. Hurry up and add some widgets.